“Noon, Ngayon at Bukas”

PAUNANG SALITA
Mahalaga ang isang kultura sapagkat ito ang nagbibigay ng pagkakakilanlan ng bawat pangkat o grupo na kasapi sa isang komunidad o lipunan. Ang bawat kultura mayroon ang mga pangkat o grupo ay natatangi sa iba pang pangkat. Ibig sabihin, ang kultura ay isang kayamanan na mayroon ang isang pangkat na sila lang ang mayroon. Ang kultura ng isang pangkat o grupo ng mga tao ay sumasalamin sa mayaman nila na kaugalian, tradisyon, selebrasyon, kagamitan at maging kasabihan noong unang panahon na iningatan hanggang sa ngayon
Ang Cardona, tulad ng ibang bayan ay sagana sa likas na yaman, kultura at tradisyon. Sa pagkakahiwalay ng bayan noong ika-14 ng Enero, 1914 sa bisa ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 6 at naging isang bayang nagsarili simula ika-1 ng Pebrero, 1914, bumuo ng sariling pagkakakilanlan ang Cardona. Nakilala ito sa “Kaluskos Kawayan at mga iba’t ibang likas na yaman na naging sentro ng Turismo tulad ng Cardona’s Rock Garden,Cielito Lindo Island at Mount Tagapo. Nakilala rin ito sa iba’t ibang selebrasyon tulad ng Sapao-an, Pagod at marami pang iba.
Ang pagpreserba sa pagkakakilanlan ng bawat pangkat o grupo ay mahalaga dahil ang mga ito ang nagbibigay kulay sa yamang kultural ng isang bansa. Natatangi o bukod-tangi ito sa ibang mga bansa. Kadalasan, isa ito sa mga rason kung bakit dinadayo ang isang bansa. At ang ganitong mga pangyayari ay lubos na nakakatulong sa ekonomiya ng isang bayan.
Ang Lunday ng Cardona: Noon, Ngayon at Bukas ay isang ulat na na magsisilbing kalipunan ng mga yaman, pamana at pagkakakilanlan n Cardona. Lunday ay isang parte ng bangka na ang gawain at balansehin ito upang hindi ito lumubog. Ganoon din ang kultura, ito ay lunday ng bayan kung saan nagsisilbi itong pundasyon at balanse na nagpapatatag sa bayan. Makikita dito kung gaano kayaman at kayabong ang diwang makabayan at makasaysayan sa pamamagitan ng mga mahahalagang pangkulturang kasanayan at kaalaman ang napapanatiling buhay sa pagsalin-salin ng maraming henerasyon.
MAIKLING PROPAYL NG MUNISIPYO NG CARDONA
Ang Cardona ay isang Third (3rd) Class na Munisipalidad sa Ikalawang Distrito ng lalawigan ng Rizal, mayroon itong 49, 034 katao ayon sa 2015 Census na may densidad na 1,700 kada kilometro parisukat (km2) samantalang ang kabuuang laki nito ay 28.56 kilometrong parisukat (km2).
Ang lokasyong absolute ng Cardona ay 14°29′10″N (hilagang latitude), 121°13′44″E (silangang longitude) samantalang ang mga hangganan nito ay ang mga sumusunod: Binangonan sa kanluran, Morong sa hilaga at Laguna de Bay sa timog at silangan.
Ang Cardona ay may labingwalong (18) barangay na nahahati sa mainland o kalupaan at island o isla. Ang mga barangay sa mainland ay ang mga sumusunod: Calahan, Dalig, Del Remedio, Iglesia, Looc, Nagsulo, Patunhay, Real (Poblacion), Sampad, San Roque (Poblacion) at Ticulio. Ang island barangays naman ang mga sumusunod: Balibago, Boor, Lambac, Malanggam – Calubacan, Navotas, Subay at Tuna.
Ang bayan ng Cardona ay natatag noong 1854, ayon sa isang paring Franciscano na si Padre San Antonio. Ayon sa paniniwala, ang bayan ng Cardona ay unang tinawag na “Sapao” na naging “Sabao” at sa kinalaunan ay naging Caldo na ang ibig sabihin ay “Sabaw” sa Tagalog. Ang “Caldo” sa paglipas ng maraming panahon ay naging “Cardona”.
Barangay Lambac ang may pinakamalaking barangay kung titingnan ang sakop nito na may kabuuang 295.93 hectares, na binubuo ng 15% ng kabuuang sakop ng Cardona. Ang Barangay Real ang may pinaka maliit na sakop na may sukat na 2.23 hectares. Sa kabuuan, an island barangays ang may pinakamalaking sakop na may kabuuan na 163 hectares kumapara sa mainland barangays na may sakop na 72 hectares.
Table 1: Land Area Per Barangay
Barangay |
Land Area (Ha) |
In Square Km |
Percent Distribution |
Mainland Barangays |
787.72 |
7.88 |
40.87 |
Calahan |
131.89 |
1.32 |
6.84 |
Dalig |
90.35 |
.90 |
4.69 |
Del Remedio |
91.62 |
.92 |
4.75 |
Iglesia |
68.45 |
.68 |
3.55 |
Looc |
160.64 |
1.61 |
8.33 |
Nagsulo |
72.74 |
.73 |
3.77 |
Patunhay |
10.89 |
.11 |
0.57 |
Real |
2.23 |
.02 |
0.12 |
Sampad |
67.58 |
.68 |
3.51 |
San Roque |
56.57 |
.57 |
2.94 |
Ticulio |
34.76 |
.35 |
1.80 |
Island Barangays |
1,139.58 |
11.40 |
59.11 |
Balibago |
226.92 |
2.27 |
11.77 |
Boor |
140.75 |
1.41 |
7.30 |
Lambac |
295.93 |
2.96 |
15.35 |
Mal-Cal |
114.93 |
1.15 |
5.96 |
Navotas |
47.60 |
.48 |
2.47 |
Subay |
113.92 |
1.14 |
5.91 |
Tuna |
199.53 |
1.995 |
10.53 |
TOTAL |
1,927.30 |
19.27 |
100.00 |
Source: Municipal Assessor’s Office
Ang kabuuang bilang populasyon sa bayan ng Cardona ayon sa 2015 Census ay 49,039 na may kabuuang 10,432 na kabahayan. Ang porsyento naman ng mga manggagawa ay 64% ayon sa 2017 census. Ang kabuuan naman ng reshitradong botante ay 28,029 ayon sa 2018 na datos.
Datos na Pang-Sosyal
Mula 2021 hanggang sa kasalukuyan, mayroong 1 Unibersidad, 3 pribadong sekundarya at 3 pampublikong sekundarya ganun ang bilang ng elementarya. Mayroon naman 21 na pribadong preschools at 18 na day care centers.
Educational Institutions |
Quantity |
Technical and vocational schools |
0 |
Universities and colleges(public/private |
1 |
High school (public/private) |
3 |
Elementary (public/private) |
3 |
Pre-School (public/private) |
0/21 |
Senior High School |
|
Mayroon 2 pribadong pagamutan (hospitals), 18 health centers at 1 LGU Health Center with Lying-in Clinic and Laboratory Services. Mayroon ding 2 silid-aklatan.Mayroon din ang bayan na 28 Ynares Type Multi-Purpose Covered Courts, 28 Basketball Courts and 3 Pampublikong Parke.
Institutions |
Quantity |
Hospitals (public/private) |
0/2 |
Health Centers |
18 |
LGU Health Center with Lying-in Clinic And Laboratory Services |
1 |
Reading Center |
2 |
Sports and Recreational Facilities |
Quantity |
Ynares Type Multi-Purpose Covered Court |
28 |
Basketball Court |
28 |
Public Park |
3 |
Sa bilang ng mga Health Personnel at Staff, mayroong ang bayan na 1 doktor, 12 LGU nars,13 midwife, 1 medical technologist, 1 sanitary inspector at 159 na Health workers. Sa hanay ng tagapagtanggol, mayroon ang bayan na 34 na pulis at 4 na hindi nakauniporme na pulis. Mayroon naman tayong 17 na bumbero at 1 na hindi nakauniporme na bumbero.
Health Personnel/Staff |
Quantity |
Medical Doctor |
1 |
Dentist |
0 |
Nurse |
12 (LGU) |
Midwife |
13 |
Medical Technologist |
1 |
Sanitary Inspector |
1 |
Administrative Aide |
|
Barangay Healthworkers |
159 |
Protective Services |
Quantity |
Police Personnel |
34 |
Non-Uniform Police Personnel |
4 |
Bureau of Fire Protection Personnel |
17 |
Non-Uniform Personnel |
1 |
Ang pangunahing produkto ng bayan ay isda at kawayan. Ang mga industriya sa bayan ay 1 banko, 2 lending institution, 1 maliit na pamilihan, 2 convenience stores, 4 na patahian at paghawaan ng kahoy at 1 para sa mga handicrafts. Pagdating sa agrikultura, may kabuuang 26.
Sa MERALCO nagmumula ang rasyon ng kuryente samantalang Barangay Water Cooperatives, Deep Well, Manila Water ang sa tubig. Pagdating sa komunikasyon, mayroong 6 na cell sites, 2 telephone companies: PLDT, Globelines. para sa internet, Smart Bro, Globe Telecom at para sa – Cable TV System, Cignal, Skyline CATV Industries Inc.
Sa Waste Management, – Municipal MRF, Transfer Station,Barangay MRF, Junkshop MRF and Sanitary Landfill in Morong, Rizal.Sa transportasyon naman, Service Utility Vehicle, Jeepney, Tricycle, Motorized Bancas
Istraktura ng Ekonomiya
Sa datos ng istraktura ng Ekonomiya, makikita sa baba ang pinakabagong datos na nasa talahanayan.
Revenue Sources (FY 2020) |
Amount |
Tax Revenue(RPT) |
13,316,477.46 |
Operating & Miscellaneous Revenue |
3,660,404.56 |
Local Enterprise |
6,545,477.10 |
Subsidy Income |
143,753,416.60 (kasama ang Financial Assistance galing sa National) |
Other Income |
2,190,377.82 |
Sa kasalukuyan, ang bayan ng Cardona ay nakatuon sa abot – tanaw na pag – unlad. Dahil sa lumalaking bilang ng populasyon, ang mga pangangailangan sa pagmamahal sa pagpapaunlad ng iba’t ibang proyekto tulad ng mga daan at tuloy, kalusugan at kalinisan, edukasyon ay isinakatuparan ng mga namumuno na may pagpapahalaga sa pambansang kapakanan. Ang mga sumusunod ay ang mga nahalal na opisyales ng Cardona mula 2016-2021.
- SB Member 2016 – 2019
Mayor – Bernardo P. San Juan Jr.
Vice Mayor – Teodulo C. Campo
- Councilors
- Gil Pandac
- Frederick P. Azotillo
- Al Jerrrold A. San Jose
- John Dee l. Bautista
- Jesus R. Francisco, Jr.
- Aris SJ. Francisco
- Dale Christian D. Cruz
- Virgilio A. Rivera
- Armando L. Estrella – LNB-President
- Allen Iversion P. Pasay – PPSK-President
- SB Member 2020-Up to Present
Mayor- Teodulo C. Campo
V-Mayor- Gil F. Pandac
- Councilors
- Kim Dexter SA. Candelaria
- John Dee L. Bautista
- Al Jerrold A. San Jose
- Frederick P. Azotillo
- Aris SJ. Francisco
- Dale Christian D. Cruz
- Jesus R. Francisco, Jr.
- Thomas P. Anselmo
- Jose V. Dionisio – LNB-President
- Clyde Drexcler M. Rivera – PPSK- President
KASAYSAYAN AT PINAGMULAN NG BAYAN NG CARDONA, RIZAL
- Kasaysayan Cardona, Rizal
“Ang Bayan ng Cardona ay natatag noong 1854, ayon sa isang paring Franciscano na si Padre San Antonio. Ayon sa paniniwala, ang bayan ng Cardona ay unang tinawag na “Sapao” na naging “Sabao” at sa kalaunan ay naging Caldo na ang ibig sabihin ay “sabaw” sa Tagalog. Ang “Caldo” sa paglipas ng maraming panahon ay naging “Cardona.”
Ang iba naman ay naniniwala na ang Cardona ay galling sa pangalan ng isang mayamang nagmamay-ari ng malalaking lupain sa lugar na iyon na si “Cardo.”
Maaari rin namang ang Cardona ay galing sa salitang Kastila. Mayroon daw kasing bayan sa Espanya na ang tawag ay Cardona. Maraming Kastila ang gumagamit ng apelyidong Cardona. Isang kaugalian noong panahon ng Kastila na ang maraming bayan sa Pilipinas ay pangalan ayon sa pangalan ng mga Kastilang namumuno sa isang lugar.
Ang mga katutubong Cardona sa kalahatan ay mapagmahal sa kalayaan. Batay sa mga kwentong nalathala, noong 1896 nang magkaroon ng garrison ang mga Kastila sa bayan ng Morong, ang Cardona ay naging instrument sa mga gawaing panloob at pag-aalsa laban sa Kastila. Noong ika-6 ng Agosto, 1896 ang mga taga Cardona ay sumapi sa pamahalaang rebolusyonaryo ni Heneral Emilio Aguinaldo. Nang pumutok ang digmaan sa pagitan ng mga Pilipino at Amerikano noong 1899, ang mapaghimagsik na ito ay kailangang lumabang muli. Sa panahong ito ng mga pananakop, ang bayan ng Cardona ay labis na winasak ng mga kanyon ng Amerika na nagdulot ng matinding pagdurusa sa mga mamamayan.
Ika-8 ng Pebrero 1902 nang ang lalawigan ng Morong ay pinalitan na at ginawang Rizal, at ang Cardona ay naging bahagi ng bagong likhang lalawigan. Subalit ng bayan ng Cardona ay naisanib sa bayan ng Morong noong 1903 sa bisa ng Batas Blg. 942 ng Komisyon ng Pilipinas. Nahiwalay ang Cardona sa Morong sa pamamagitan ng mga kasunduan na pinangungunahan ni Mateo Flores na siya ring nanguna sa pagpapalabas ng Kautusang Tagapag paganap Blg. 6 noong ika-14 ng Enero, 1914 ni Kagalang-galang Francis Burton Harrison, ang Gobernador Heneral ng Pilipinas. At noong ika-1 ng Pebrero 1914, ang Cardona ay naging isang bayang nagsasarili.
Nang sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig noong 1941, ang mga mamamayan ng Cardona ay muling hinamon. Maraming kabataang lalaki ng Cardona ang lumaban sa Bataan at sumapi sa mga samahang nag-aalsa. Ang Cardona bilang pinakagitna ng lahat ng bayan sa Rizal ay isa sa naging pangunahing himpilan ng mga operasyon o pagpapakilos ng Marking’s Fil-American Guerilla troops na nakahimpil sa Gitnang Luzon. Isang katutubong Cardona na nagngangalang Komandante Ernesto Felix ang nagtatag at nanguna sa “Cadre Regiment – Cardona Unit” hanggang sa siya ay nadakip at pinatay ng mga Hapones. Ang mga gerilya ng Cardona ay naging aktibo sa kabundukan ng Sierra Madre sa pamumuno ni Komandante Basilio M. Estocapio. Isa pang katutubo ng Cardona si Koronel Frisco F. San Juan ang nanguna sa “Hunters ROTC Guerillas”. Dahil sa kanilang pagmamahal sa bayan ng kalayaan, marami ang nag-aalay ng buhay at maraming iba pa ang nakulong at nakaranas ng labis na pagpapahirap.
Noong 1945, taon ng pagpapalaya, iniutos ng Sandatahang Lakas ng Hapones ang paglikas ng mga mamamayan sa Cardona. Pagkatapos sinunog ng mga sundalong Hapones ang buong bayan ng Cardona kabilang ang pamahalaang bayan, upang antalahin ang pagdating ng mga Amerikano. Pagkatapos ng sunud-sunod na labanan, ang bayan ng Cardona ay lumaya noong Marso 1945.
Ang mga larawang ipinakita ng mga mamamayan ng bayan ng Cardona ay magpapatuloy sa pagkislap sa lahat ng henerasyon. Mayroong mahalagang pangyayari sa kasaysayan ng Pilipinas ang maaaring maganap tulad ng pagbagsak ng batas militar at pag-aalsa sa EDSA subalit ang bayan ng Cardona ay mananatili sa patuloy na pag-iingat o pag-aalaga hindi lamang sa kapakanan at karangalan ng Cardona kundi pati na rin ng pambansang kapangyarihan at kaligtasan.”
Source: Rizal: Noon, Ngayon at Bukas By D. M. Orlina and C.U. San Antonio
- Legal na Basehan
THE GOVERNMENT OF THE PHILIPPINE ISLANDS
EXECUTIVE BUREAU
EXECUTIVE ORDER NO. 108
WHEREAS, many of the inhabitants of the former Municipality of Cardona have petitioned that the same be separated from the Municipality of Morong, Province of Rizal, and organized into an independent municipality, and;
WHEREAS, the inhabitants of Cardona have promised to deposit in a bank or with the Provincial Treasury the amount of five hundred pesos;
NOW, THEREFORE, upon recommendation of the Provincial Board of Rizal, and pursuant to the provisions of Act Numbered Seventeen Hundred and Forty-Eight (1748), “An Act Authorizing the Change of Capitals of Provinces and Sub-Provinces as may be necessary from time to time to serve the public convenience & interest.” The twenty-three (23) municipalities of the province of Rizal as established by Acts Numbered Nine Hundred and Forty-Two (942), Nine Hundred Eighty-Four (984), Thirteen Hundred and Eight (1308), Fourteen Hundred and Forty-two (1442), Sixteen Hundred & Twenty-five (1625) and Seventeen Hundred and Twenty (1720), and Executive Orders Numbered Twenty (20) series of Nineteen Hundred and Eight (1908), One Hundred Seven (107), series of Nineteen Hundred and Thirteen (1913), are hereby increased to twenty-four (24) by separating the former Municipality of Cardona from the present Municipality of Morong, Province of Rizal.
The municipality of Morong shall consist of its present territory less the territory comprised in the former Municipality of Cardona. The Municipality of Cardona is hereby reorganized and shall consist of the territory which it comprised prior to the passage of Act Number Nine Hundred and Forty-Two (942), provided, the salary of the Municipal President of the Municipality of Cardona shall not exceed Two Hundred Forty (240) Pesos per annum.
The separation herein made shall be effective on February 1, 1914.
(SGD) FRANCIS BURTON HARRISON
Governor General
Copy from:
MALACAÑANG PALACE LIBRARY By: LORENZO K. CANDELARIA
July 18, 1961 Municipal Mayor
2. Maikling Kasaysayan at Naratibo ng Labingwalong (18) Barangay
Ang Cardona ay may labingwalong (18) barangay na nahahati sa mainland o kalupaan at island o isla. Ang mga barangay sa mainland ay ang mga sumusunod: Calahan, Dalig, Del Remedio, Iglesia, Looc, Nagsulo, Patunhay, Real (Poblacion), Sampad, San Roque (Poblacion) at Ticulio. Ang island barangays naman ang mga sumusunod: Balibago, Boor, Lambac, Malanggam – Calubacan, Navotas, Subay at Tuna.
Pigura 1
Mapa ng mga Barangay
MAINLAND BARANGAYS
Calahan, Real, Sampad, Dalig, Del Remedio, lglesia, Looc, Patunhay, Nagsulo and Ticulio, San Roque
2.1. Barangay Calahan
Pinaniniwalaan na may mga grupo ng Kastila na nanirahan sa lugar upang maghanap ng mga impormasyong tungkol sa pagasenso. Nilapitan nila ang apat na tao na naninirahan doon na sa oras na iyon ay nag-aayos ng kalan na gagamitin nila sa pagluluto. Tinanong ng Kastila ang isa “What Place is This?”sa lengwaheng Espanyol. Inakala ng tao ruon na tinatanong sila kung ano ang ginagawa nila. SUumagot sila “KALAN”. “KALAN YAN” dagdag pa ng isa. Simula noon tinawag na ang lugar na KALAN YAN na nang lumaon ay naging Kalahan o Calahan,
2.2 Barangay Real
Ang nayon ng Real ay nakilala noong unang panahon sa katawagang “Hulo” sa hindi mabatid na kadahilanan. Noong panahon ng Kastila, nakilala ang pook bilang “CAMINO DE REAL”. Bunga marahil ng panimula ng himagsikan, tinawag itong pook ng “LAONG LAAN” na ang malalim na kahulugan salitang taglog ay “Lubos at malayang kahandaan”. Sa panahon ng propaganda o pakikilaban sa pamamagitan ng panitik, ang salitang: “LAONG LAAN” ay siyang ginamit na pangalan sa panulat ng dakilang bayaning si Dr. Jose Rizal.
Noong panahon ng Liberasyon, ang nayong ito na ang nasasakupan ay isang kahabaan ng daan ay tinawag na “Daang Rizal” (Rizal St.) Bagaman at walang makapagsabi kung paano at kailan, ang nayon ay nagbagong pangalan mula sa dinakilang pangalang “RIZAL” at nakilala hanggang sa ngayon bilang BARANGAY REAL..
Ang simbolo at sagisag ng barangay ayon sa dating Konsehal ng bayan nang Cardona at dating Kapitan ng Barangay Real na si Pepito Constantino, ay sumisimbolo ng ating palatandaan na kung saan nakatayo ang rebulto ni Dr. Jose Rizal, ang bandera ng Pilipinas ay sumisimbilo sa ating Bansa, ang ilaw ay sumisimbolo ng liwanag sa ating komunidad. Bundok at dagat ay dating matatanaw mula sa barangay hall ng Real noong iilan lang ang mga nakatayong bahay sa paligid
2.3. Barangay Sampad
Kinagisnan na ng mga taga-nayon ang maraming bagay na nasa kanilang pangpang at baybay dagat. Makikita rito ang mga inanod na mga patay na isda, mga kagamitang nalaglag mula sa mga maglalakbay sa dagat, maging sa mga bangkang pangingisda na inanod mula sa gitna ng dagat.
Kaya’t sinasabi ng mga matatanda sa nayon na ang pangalan ng barangay ay nagsimula sa salitang “PadPad”. Mula rito, kinagisnan na, na ang pangalan ng nayon ay Barangay Sampad.
2.4. Barangay Dalig
Ang nayon ng Dalig ay isa sa mga nayon sa baybayin ng Lawa ng Laguna. Bahagi ng buhay ng taga-nayon ang nasabing lawa. Dito sila kumukuha ng kinabubuhay, ng tubig na panluto, panlinis sa bahay, gamit sa paghahalaman, gamit sa paghahayupan at labahan. Ang lawa rin ang tanging daan para makarating sa mga karatig pook na noon ay hindi pa napag-uugnayan ng mga daan.
Isang araw, may dumating na isang bangka na may lulan na Kastila. Nagandahan sila sa pook na ito at paglapit sa mga mangingisda ay natanong “Que este lugar” (anong lugar ito?) sabay turo sa baybayin ng lawa na noon ay kasalukuyang may nahahabay na pangkat ng mga naglalabang kababaihan.
Sa dahilang hindi naman maintindihan ng mga mangingisda ang salitang kastila, kanilang pinagpalagay na ang itinatanong ay ang nababaybay na kababaihan kaya’t sumagot sila ng mga “DILAG” na ang kahulugan ay magagandang kababaihan. Sa kalaunan ang “DILAG” naging “DALIG” na ipinagpapalagay na sanhi ng pagkakamali sa pagsulat nito. Ang iba naman ay nagpapalagay na dulot ito ng pagkakamali sa pagbigkas. Ang pagkakamali ay hindi natuwid kung kaya’t hanggang sa ngayon ay nakikilalang BARANGAY DALIG.
Kahulugan ng Sagisag ng Barangay ay sumisimbolo ng iba’t-ibang yaman galling sa kalikasan na napakukunan ng ikinabubuhay ng mga mamamayan ng Barangay Dalig.
2.5. Barangay Del Remedio
Kinagisnan sa bayan na tawagin ang nayong ito na “Gulod” sa dahilang ang kalakhan na nayon ay nakahanay sa bulubunduking bahagi ng nayon.
May nagsasabi naman na nakilala rin ito bilang “Pugad Baboy” sa dahilang ito ay landas patungo sa dakong gubat ng nayon kung saan matatagpuan ang maraming hayop at baboy damo. Bagaman mabibilang at iilan ang pamilyang namumuhay dito, pinagmulan ito ng mahuhusay at kinikilalang manggagamot.
Ayon pa sa kwento, ang unang simbahan ay matatagpuan sa gulod na ito. May isang panahong nagkaroon ng walang humpay na pagbuhos ng malakas na ulan. Nagdulot ito ng mabilis na pagtaas ng tubig hanggang sa wari ay sasapitin nito ang pinto ng simbahan. Sa gitna ng pangamba ng mga tao, ang imahe ng “Virgen del Remedio” o “Birheng Magbigay Lunas” ang sinandalan o tinawagan ng mga tao dito sa nayon. At bunga pa rin ng paniniwala ng mga Kastila sa mga nakilalang manggagamot sa nayon at sa pananalig ng mga tao sa milagro ng “Virgen del Remedio”, tinawag nila ang pook na ito mula noon at nanatili pa hanggang sa ngayon bilang nayon ng DEL REMEDIO.
2.6. Barangay Iglesia
Ayon sa matatandang nakatira sa Barangay na ito, ang unang taguri sa Pook ay dakilang mithi na kasalukuyan ay ang Liwanag Street at noong panahon kung tawagin ang Barangay ay Barrio, dito ang halos lahat ng kapilya o simbahan ay sa daang Liwanag nakatayo tulad ng kapilya ng Iglesia ni Cristo, sa may dakong hulo, ang Church of Christ (Protestant) sa may kanto ng San Pedro at Liwanag at ang Iglesia Katolika Romano sa may dakong libis ng Barangay at sa kalaunan ang Barangay ay tinawag na Iglesia na kung saan ito raw ay bilang pagpupuri ng mga tao sa mga kapilya ng iba’t ibang rehiyon.
2.7. Barangay Looc
Bilang lamang ang mga natatanging kasaysayan ng Barangay. Isa na dito ang Lawa ng Laguna, isa sa hanay ng mga Nayon sa Baybayin ng Lawa ng Laguna ay ang nayon ng LOOC. Ayon sa mga nakakatanda, ang Pangalan ng Barangay ay nagmula sa Salitang “SULOK” sapagkat ang Barangay ay kasuluk — sulukan ng bahagi na malapit sa Dagat, na naging kublihan ng mga Piratang Dagat.
Mula sa salitang SULOK at sa pagpapalipat-lipat ng pagbigkas nito, ang Sulok ay naging LOOC. Dagdag pa rito, ay mayroong ding nagsabi na ang Looc din ay nagmula sa salitang Kastila na “BAE” (BAY), na ang ibig sabihin o kahulugan ay Tabing – Lawa.
Ang namumuno noon ay tinatawag na “Teniente Del Barrio” na nag katumbas ngayon ay Kapitan, at ang Teniente Del Barrio ay may anim (6) na miyembro ng mga kagawad.
Hanggang sa panahon ngayon ay may mga nakukuha pang pagkaka kilanlan ng mga kagamitan tulad ng Bangkang MV Tandang Sora, ganun din mg labi ng mga tao nooong unang panahon ng ikalawang Digmaang Pandaigdig (World War ll)
Ang isinasagisag ng simbolo ng Barangay Looc na sa Dagat ang pangunahing pinagkukunan ng Ikinabubuhay ng mga taga Looc. Pangingisda at Pandaragat ang Ikinabubuhay ng may limampung porsiyento mga mamamayan dito.
2.8. Barangay Patunhay
Ang Patunhay ay isa sa labing walong Barangay na nasasakupan ng Cardona, Rizal. Ito ay may sukat humigit kumulang na isang libo walumput walong metro kuwadrado. Ito ay matatagpuan sa baybaying lawa ng Laguna de Bay.
Ayon sa kuwento, ang Patunhay ay isang nayon kung saan ang mga kabahayan ay nakatayo sa bulubunduking bahagi ng nayon. Dahilan dito, ang mga daan at landas ay nagsisimula sac amino real at nakatuon pataas patungo sa mga kabahayan.Dahilan sa paahon ang paraan ng paglandas ng “pa-tunhay” na ang ibig sabihin ay patingala sa paglalakad patungo sa patutunguhan.Simula noon, sa tuwing may magtatanong ng isang naninirahan sag awing iyon ng nayon, naging pagtuturo ang doon sa “pa-tunhay” na daan na sa kalaunan ay naging pangalan ng Barangay Patunhay.
Ayon sa isa pang kuwento, noong unang panahon ay mayroong isang magandang babae na nakatira sa lugar na ito at siya ay si aling Pati, ito ay laging nakikitang nakaupo sa isang malaking bato sa malapit sa dagat na palaging nakatingin sa malayo na ang ulo ay nakatingin sa langit o naktaunghay, wala pa pangalan noon ang lugar na ito.Minsan ay mayroong dumating dito sa bayan ng Cardona na taga ibang bayan at hinahanap si aling Pati.
Tanong: Saan po rito matatagpuan si aling Pati?
Sagot: Ah, si Inra Pati ba? Iyong laging nakatunghay, naroon sa tabing dagat at nakatunghay.
Simula noon ay tinawag na itong lugar na ito na “Patunghay” hinango sa pangalan na Pati na nakatunghay.
Ang Barrio o Nayon ng Patunhay ay isang sitio lamang ng nayon ng Calahan. Ito ay nahiwalay sa Calahan sa bisa ng isang Resolusyon ng Konseho Munisipal sa pamumuno ng noon ay Punong Bayan, Mariano C. San Juan.
2.9. Barangay Nagsulo
Maraming kwentong bayan ang sinasabing pinagmulan ng pangalan ng barangay Nagsulo. Ayon sa ilan, nagkaroon ng paghahanap ng mga itinuturing na mga insorekto ang mga kastila. Dahilan sa kadagawan ang bahagi ng nayon, gumagamit sila ng “sulo” sa paghahanap sa gubat. Ang pangkat ng mga kastilang dumating ay sinasagot na naroon at “nagsusulo”, ayon sa kwento, dito raw nag simulang tawagin ang bayan ng “Nagsulo”.
Isang kakaibang kwento bayan naman ang nagsasabi na sapagkat ang nayon ay nakaharap sa sinisikatan ng araw, inilarawan ito ng mga unang nanirahan na tulad ng isang “sulo”, na kapag sila’y tumitingin sa araw sila raw ay lubhang “nasulo”. Sa paglipas ng taon, naging pangalan ng pook ay Nagsulo.
2.10. Barangay Ticulio
Tulad ng ibang mga kabataan sa lahat ng nayon sa Cardona kasabihan na ang batang nayon sa Barangay Ticulio ay lubhang malilikot at mabibiro. Ayon sa pinagmulan tinawag sila ng mga Kastila na “pillo”.
Ipinagpapalagay na sinasabihan ng mga Kastila ang kinatutuwaang mga sa kanilang wika na “te usted pillo hijo” na ang ibig na sabihin ay masyadong mabiro (masayahin) ang mga batang ito.
Bagaman at hindi nauunawaan ng mga bata ang kahulugan ng taguri ng mga Kastila, sa pagpapasalin-salin, nauwi sa salitang “te pillo” na sa kalaunan ay naging TICULIO.
2.11. Barangay San Roque
Ang Bgry. San Roque ang pinakahuli o bagong Brgy. Na natatag sa Bayan ng Cardona, Rizal. Mula sa salitang “SARUKE” na tinawag sa isang matandang lalaki na naninirahan sa barangay noonng mga nakaraang panahon
Ayon sa mga taal na taga Cardona ay naririnig nila sa kanilang mga ninuno noon, na ang barangay San Roque ay nagsimula sa salitang “sandok” o “sanrok”. Ang “sandok” o “sanrok” (ladle/scoop) na yari sa bao ng niyog ay siyang ginamit na kasangkapan ng mga unang tao sa Cardona sa kanilang pagluluto.
Palibhasa, kakaiba ang hitsura ng “sanrok” na ginagamit noon, ay naging kapansin-pansin ito sa paningin ng mga kastila, sapagkat noong una pa man ay gumagamit na sila sa Espanya ng mga eleganteng kasangkapan sa kusina na yari sa pilak at mamahaling metal, mangilan-ngilan ay may gumagamit din ng gintong kutsara, tinidor at sandok.
Naging usap-usapan ng mga kastila ang kakaibang kasangkapan sa kusina ng mga Pilipino noong araw hanggang sa tawagin na ang dako, kung saan nila nakita ang paggawa at paggamit ng sandok na yari sa bao ng niyog, na SANROK. Na kalaunan, ay tinawag na itong SAN ROQUE hanggang si San Roque na rin ang naging Santong Patron ng mga taga barangay na sumampalataya sa Katolisismo.
Sagisag ng Barangay
Kahulugan::
- Hugis Bilog – simbolo ng pagkakaisa
- Parihaba – simbolo ng katatagan
- Imahe sa ilalim-simbolo ng tuloy-tuloy na pag-unlad
- Kulay Asul-pagtitiwala at kapayapaan
- Kulay Dilaw-kaalaman at katalinuhan
- Puting Teksto-kalinisan
ISLAND BARANGAYS
Balibago, Lambac, Malanggam-Calubacan, Navotas, Subay, Tuna and Boor
2.12. Barangay Balibago
Bagaman at ang mga nahukay na mga porselana sa Nayon ng Balibago ay nagpapatunay na may mga nanirahan na dito at sa mga kalapit pook sa dakong ito ng Isla ng Talimbago pa dumating ang mga Kastila. Sinabi na unang nagkaroon ng mamamayan ang kalapit nitong Nayon ng Tuna.
Ayon sa mga nakababatid, nang magsimulang dumami ang mga nananahan sa Tuna, ang ilan sa kanila ay naglandas patungo sa kalapit pook upang manahan. Sa pagdaraan ng panahon, unti-untingnagkaroon ng mga pamilya sa bagong nayon.
Sa mga nagtatanong kung anong pangalan ng bagong lugar, ito ang isinasagot ng mga taga-nayon ay “bali ito ay bagong nayon”. Sa nayon ng Tuna man, kapag may nagtatanong at maging sa mismong bagong nayon, ang nagiging sagot ay “bali ito ay bagong nayon” na sa katagalan, ang pook ay tinawag na NAYON NG BALIBAGO.
In an English account, “In the early days, the barrio of Balibago was inhabited by Chinese pirates, as evidenced by the antiques excavated just recently by the barrio people. The history of the barrio could only be traced as related by the oldest folks in the community. There were no records as to the origin of the barrio kept either in the municipal office or in the church.
The first settlers came from the barrio of Tuna (mother barrio) composing related families whose aim was to have wider space for planting.Long ago, there was just a cluster of house in the barrio of Balibago. The plain was planted to rice, corn and vegetables.
One day, two Spaniards came in the barrio. They were assigned to give names of the barrio in Talim Island. When they arrived at the barrio they saw a farmer near the shore. The Spaniards asked the farmer, “Como se llama su lugar?” The farmer couldn’t understand Spanish language but he knew the word “Lugar”, so he said, “Vale bago pa lamang ako rito, kaya hindi ko alam ang pangalan ng lugar na ito.” “Entonces se llama Vale Bago,” the Spaniards thought. Since then, the place was named Valebago until the word was changed to Balibago.
2.13. Barangay Lambac
Ang nayong ito ay matatagpuan sa isang lubak at kilala noong unang mga panahon bilang “Lubak”. Sa pagdaan ng panahon ang katawagang “Lubak” ay naging “Lambak”. Sa pagsasalin-salin ng pagtawag sa nayon naging katawan nito at pangalan ay “Lambac” hanggang sa kasalukuyang panahon.
2.14. Baragay Malanggam-Calubacan
Ang barangay Malanggam ay isa sa parte ng Talim Island. Isang grupo ng sundalong espanyol ang napadpad dito upang tingnan ang lugar at markahan o maglagay ng tanda kung saan sila dumaong. Tinawag nila ang mga taong taga roon upang utusang maghukay kung saan nila ititirik ang kanilang bandera. Nuong sinimulan na ng mga taga isla na maghukay ng maliit na butas, aksidente nilang nasira ang pinagbabahayan ng mga langgam. Sa sobrang abala nila sa pagtanggal ng gumagapang na insektong umaakyat sa kanilang hita isang espanyol naman ang nagtanong ng pangalan ng kanilang lugar, sa labis na sakit dahil sa kagat ng mga langgam napasigaw ang isa sa mga taga isla ng “MALANGGAM, MALANGGAM!” Kung kaya’t naisip ng espanyol na ito ang pangalan ng isla at sya namang nai-record bilang Malanggam.
Ayon sa kasabihan ng matatanda noong araw, noong panahon ng hapon 1941 hanggang 1944 natigil rito ang mga hapon ng 14 na araw sa dahilang nai SONA ang bawat barangay. Sa katunayan natigil ang ilang hapon sa isa sa matandang bahay dito. Maraming pangyayari ang naganap noong narito ang mga hapon. Hanggang sa nakadating sila sa bundok sa taas lang ng barangay, at noon ay may dalawang hapon na namatay at nailibing sa nasabing DALAWAHAN.
Kahulugan ng Sagisag ng Barangay
Ang lawa sa logo ng Barangay Malanggam ay sumisimbolo sa Laguna de bay na syang nakapalibot sa baryo. Ang mga isda naman ang bumubuo sa sagisag ng sangguniang barangay na kung saan nangangahulugang ito ang pangunahing pumupuno sa pangangailangan ng mga taga isla, batid sa kaalaman ng lahat na maituturing na kayamanan ang dagat at ang mga isda dito sapagkat ito ang pinagmumulan ng ikinabubuhay ng mga taga rito.
2.15. Barangay Navotas
Noong unang panahon ang nayon ng Navotas ay madawag na kagubatan na kasabihang pugad ng maraming baboy damo. Ang nayon ay binubuo ng mga karatig Barangay kasama ang Ticulio at buong isla ng Talim.
Naging bahagi ang galaw ng alon sa maraming taon hanggang ang bawat hampas nito ay nagiging sanhi ng pagkakaroon ng isang maliit na butas o daan. Noong una, hindi masyadong pansin ng mga tao maliit na “butas” subalit sa patuloy na paghampas ng alon lumaki ito ng lumaki hanggang isang araw ang mga tao ay namangha sa lumalaking butas at nasambit na “Nabutas”. Simula non ang nayon ay nakilala bilang Navotas.
2.16. Barangay Subay
Marami sa karaniwang bilang ang mga nanahan sa Nayon ng Subay. Ito ay sa mga dahilang malawak na kapatagan ang sakop nitong mga lupain at maraming mga hayop ang bumaba sa kanayunan mula sa Bundok Tagapo. Pinagkunan ng pagkain ang mga hayop na nabanggit.
Pinaniniwalaang marami ang nagtutungo sa nayong ito upang magusap-usap. Kaya’t naging gawi ng mga tulisang sumusubaybay sa mga kastila na tungunin ang pook na ito. Tinukoy nila ang pook at nakilala bilang “subaybayan”. Sa kalaunan, tinawag itong “BAYAN SUBAY”. Sa bandang huli hanggang sa kasalukuyan, tinawag itong NAYON o BARANGAY SUBAY.
2.17. Barangay Tuna
Ang barangay Tuna ay sinasabing pinaninirahan ng mga intsik bago pa dumating ang mga kastila. Dito ay may napadpad na intsik na nakapangasawa ng isang taga-nayon. Ang pangalan ng babaeng napangasawa ng Intsik ay “Tonang”. Sa tuwing tatawagin ng asawang intsik si “tonang” ang kanyang naging pagbigkas ay “TONA”.
Ang pagbigkas ng intsik sa pangalan ng kanyang asawa ay labis na kinatuwaan ng mga taga-nayon at ito’y naging tampulan ng mga pagbibiro. Pinaulit-ulit nila ang pagbigkas hanggang sa ito ay naging bukang bibig ng balana. Nagpasalin salin ang biruan sa maraming taon kaugnay sa tawag na “tona” sa halip na “tonang” hanggang makilala ang nayon bilang Nayon ng Tuna o BARANGAY TUNA.
2.18. Barangay Boor
Kasabihan ang kasipagan ng mga unang nanahan sa nayong ito. Bukod sa pangingisda, tinaniman nila ang bahagi ng kabundukan ng mais, kamote, gabi, kamoteng kahoy, tubo at iba pa.Ayon sa kwento, may dumating ng mga Kastila habang ang mga taga nayon ay nagtatalop ng kamote. Naging unang pagtatanong kung ano ang pangalan ng lugar. Sa pag-aakala ng mga taga-nayon na ang itinatanong ay kung ano ang maitim na bahagi ng kamoteng tinatalupan at kasalukuyang tangan sa palad, sumagot ang mga taong nayon na “abar”. Inulit ito ng Kastilang nagtatanong at sinabing “Ah! Ab-or”. Sa pagpapalipat-lipat ng pagbigkas ng mga taga-nayon sa “Ah! Ab-or”, sa kalauna’y tinawag ang nayon na BOOR.
3 KULTURANG KINAGAWIAN AT KINAGISNAN
Katulad din ng iba pang mga bayan sa Pilipinas, ang Cardona ay nagdiriwang ng mahahalagang okasyon at kasayahan tulad ng pista ng bayan na ipinagdiriwang tuwing ika – 15 ng Pebrero. Dahil ang bayan ng Cardona ay maliit lamang at kulang sa materyal na kayamanan, ang tanging maiaalay nito at maipagmamalaki ay ang pagiging mapagmahal sa kayapaan at pagiging magiliw sa mga panauhin. Ito ay dahil rin sa kanilang kinalakihang panampalataya at paniniwala.
Upang maingat ang kulturang Pilipino, mahalaga ang papel na ginagampanan ng Cardona lalo na sa larangan ng musika. Dahil dito, walang oras sa loob ng isang linggo na hindi maririnig ang tunog ng mga instrumento ng tatlong (3) banda ng musiko ang Banda 1, Banda 5 at Banda 8, parehong tinanghal na kampeon sa pambansang paligsahan ng mga banda, at itinuturing na dangal ng Cardona.
Sa kasalukuyan ay kilala na rin ang Cardona Youth Musical Ensemble ng CJ Learning Center na tumutugtog gamit ang mga instrumento mula sa mga bote. Nakapagtanghal na sila sa iba’t ibang bansa at natampok na rin sa iba’t ibang programa sa telebisyon.
ANG PAGODA
Sa pagsapit ng ika – 4 ng Oktubre, ipinagdiriwang ng mga taga – Cardona ang kapistahan ni San Francisco de Asis o “Tata Iko” sa pamamagitan sa pagsama sa fluvial parade na tinatawag na “Pagoda” kung saan ililibot ang imahe nito sa buong bayan sakay ng mga naglalakihang bangka.
Pagdiriwang ng Kapistahan ni Tata Iko
“REGATTA” – karera ng mga bangkang de motor at bangkang de sagwan. Idinaraos ito tuwing ika-5 ng Oktubre kada taon bilang paggunita ng Kapistahan ni St. Francis.
Tuwing ika – 7 naman ng Oktubre, ang ipinagdiriwang ang kapistahan ni Birhen ng Santo Rosario, ang patron ng bayan sa pamamagitan ng Sapao – an Festival (Street Dancing, tuwing ika – 6 ng Oktubre) at “La Torre” kung saan ang mga imbitadong banda musiko ay nagtatanghal sa harapan ng Gusali ng Pamahalaang Bayan.
Sapao – an Festival
La Torre
Ang pagiging malikhain ng mga taga – Cardona ay namamalas tuwing panahon
Kapaskuhan sa pamamagitan ng paggawa ng mga Arkong Kawayan (Pista ng Arkong Kawayan) na tinatawag ding “Kaluskos Kawayan”, ito ay pinapailawan tuwing unang araw ng Disyembre.
Mga halimbawa ng Arkong Kawayan
Ang Barangay ng Del Remedio ang nagdiriwang naman ng Pista ng Mahal na Birhen ng Del Remedio tuwing ika-3 ng Nobyembre.
Balibago Sinadlaw Festival
Sinadlaw Festival is the Feast of the Patron Saints of Balibago, Sts. Peter and Paul celebrated June 29 every year. Purok I to Purok IV have each music bands or musiko, have colored uniforms (Purok I-red, Purok II-blue, Purok III-yellow and Purok IV-green), joins street dancing contests and have each motor banca for water procession. The Festival starts with a mass in the morning and each bands make rounds in the barangay playing their instruments. In the afternoon are contests on street dancing, majorettes’ exhibition, and other games. Followed by the procession in the lake where the Saints are on each motor banca, people dancing on the boat and pouring water on each other. Finally the street dancing from Purok I to Purok IV and people pouring water on the streets and each other as they delivered back the Saints to the Church. Sinadlaw festival is the means of thanking their Patron Saints for the blessings and guidance they receive for the whole year.
Charcoal Army ng Barangay Lambac
Ito ay isang pagdiriwang na ginaganap tuwing ika-1 ng Enero taon-taon, at ang kaibahan nito sa mga karaniwang pagdiriwang ay tanging mga lalake lamang ang kasali rito, ang buong katawan nila ay napapahiran ng uling at sira sira ang mga damit. Sila ay namamasko kada bahay. Ang layunin ng charcoal army ay makaipon ng pondo upang makatulong sa barangay sa anomang paraan.
Ito ay nabuo noong taong 1954. At hanggang sa kasalukuyan ay patuloy parin itong ginagawa.
Selebrasyon sa Barangay Mal-Cal
Ang nakagisnang kaarawan ng kapistahan ay ginaganap tuwing huling sabado ng mayo. Maituturing na halos lahat ng taga barangay Malanggam ay nagdaraos ng handaan bilang selebrasyon ng pista, nakasanayang magsagawa ng misa sa umaga at pagkatapos nito ay tsaka pa lamang pwede tumanggap ng bisita, isinasagawa rin ang pagoda pagtapos nito. Tunay na napaka saya ng pista rito, may mga musiko o bandang tumutugtog rin at sya namang isasakay ang Patron sa bangka upang ilibot sa buong lawa sa paniniwalang bibiyayaan nito ng kasaganahan ang karagatan na syang pangunahing pinagkukunan ng ikakabuhay ng mga taga rito
ANG HIMNO NG CARDONA
CARDONA HYMN
Titik ni Erwin P. Dionisio
Musika ni Armando San Jose
May bayan sa lalawigan ng Rizal
Cardong kung itoy tagurian
Mga tao’y sadyang masayahin
Pagbati ang siyang hatid namin
Cardona, mahal naming bayan
Ikararangal naming kahit saan
Yaman ay kalikasan, kalinisan
At pagkakaisa, tungo sa kaunlaran
KORO:
Ang silahis ng araw
Banaag sa silangan;
Sagisag ng pag-usbong
Ng pambayang kaunlaran.
Cardona, Cardona
Bayan kong minamahal
Kahit saan at kailanman
Ikaw ay ikararangal.
(Ulitin ang Koro)
ANG NATATANGING SALITA AT GAWI NG MGA TAGA CARDONA
Ang mga taga – Cardona rin ay kilala sa mga kakaiba nitong salita na talagang kinagigiliwan ng mga taong nakakarinig nito. Ang karamihan sa salita rito sa bayan ng Cardona ay napapalitan ng letrang R ang letrang D (hal. Pumunta ka sa bundok, kumuha ka ng dahon ng dapdap, iyong dikdikin at itapal mo sa iyong dibdib. Sa Cardona: Pumunta ka sa bunrok, kumuha ka ng rahon ng raprap, iyong rikrikin at itapal mo sa iyong ribrib.) (Glosaryo ng mga salita ay matatagpuan sa Annex A)
“ADJIYAW”
Ito ay isang salita na tanging taga Lambac lamang ang gumagamit at nakakaalam, nabuo ang salitang ito sa Barangay ng Lambac nuong unang panahon pa, walang eksaktong ibig sabihin ang salitang ito ngunit ito ay ginagamit bilang ekspresyon sa mga bagay bagay maging masaya, malungkot, o seryoso man. Ito rin ay pagkakakilanlan ng Barangay Lambac.
“ADI o ADIS”
Ito naman ay natatanging salita na maririnig mo sa isang tao na nagmula sa Barangay Balibago.
“LIBAG PAA”
Malalaman mo na na ang isang tao ay taga Barangay Del Remedio dahil sa gawi nila na Hubad Baro, Walang Tsinelas at laging nakayapak. Kaya tinagurian rin silang “Del Remedio Libag Paa”
MGA TAO at ANGKAN sa CARDONA
Kilala rin ang mga taga – Cardona sa mga kakaibang taguri, bansag o alyas upang madaling makilala ang isang pamilya o isang tao gaya ng:
Angkan:
Alagaw – tumutukoy sa angkan ng Reyes
Bakaw – tumutukoy sa angkan ng Santiago
Kuwago – tumutukoy sa angkan ng Rivera
Mantika – tumutukoy sa angkan ng Campo (Vice Mayor Totoy
Campo)
Palanas – tumutukoy sa angkan ng Campo (Ka Lagti)
Palaton – tumutukoy sa angkan ng Francisco
Sabaw – tumutukoy sa angkan ng Alejandro
Tabo – tumutukoy sa angkan ng Alegre
Indibidwal:
ABUTAK – Jacinto Vocal
ADVICE – Magpayo Pinon
ALABOK – Eleuterio Angeles
ALUKAB – Pablo Gatchalian
AMANTE – Julian Ocampo
AMIGO – Conrado Alfonso
ANINONG BAKAL – Pedro Nido
AP – Rogelio Aquino
ATTORNEY – Efren Reyes
ABANG BINGI – Ludigario Aban
ASONG ULUL – Conrado Halili
ANDONG ISWIS – Alejandro San Juan
TULE – Bernardo Sta. Maria
ANDONG KUALTA – Gerardo Dionisio
BAGLI – Teodulo Flores
BATANG YAMAN – Lope San Jose
BANJO – Pedro Luna
BOKADYO – Onesimo Flores
BOSSING – Banaag Campo
BARANG – Querubin Ramos
BASCO – Roberto Concepcion
BASTONG AHAS – Elpidio Concepcion
BOB STEEL – Felipe Dionisio
BUCK – Manlito Concepcion
BULAG – Roger Francisco
BUTA – Roberto Santos
BUTULIS – Benedicto San Juan
BORSIAL – Bayani Estacio
BENGGA – Benjamin Ignacio
BENNING KUTING – Benny Raymundo
BOY IPOT – Jose Pandac
BOY TULI – Getulio Estacio
CHAIRMAN – Venancio Mariano
DARLING – Dalmacio Candelaria
DANSING – Marciano Campo
DAONG – Roldan Natividad
DEX – Enrico Dilidili
DOC – Pedro Alejandro
DOC AMBO – Ambrosio Herrera
DOC ELOY – Eloy Mateo Flores Jr.
DOC PIDO – Alfredo Herrera
IPOT – David Pandac
DAMPLING – Octavio Julian
DONYA PALANGGANA – Aurelia Nido Felix
DELFING TABA – Delfin San Juan
DELFIN BULAG – Delfin Bernardo
EMILIONG BALBAS – Emilio Sta. Ana
EMILIONG SARAP – Emilio Santos
EMONG IPOT – Geronimo Pandac
EP – Eufemia Alfonso
ERNOK – Ernesto Felix
ERNOK – Ernani Pascual
FELIPENG KUBA – Felipe Pascual
FELIPENG PANRAY – Felipe Dionisio
FELIPENG ILANG – Felipe Concepcion
GORYONG PATARAGA – Gregorio Voca
GORYONG GABATO – Gregorio Santos
GORYONG SAGINIT – Gregorio Concepcion
GORYONG ININGIT – Gregorio Estrella
GORYONG IPOT – Gregorio Pandac
HITA – Pedro Julian
IKE – Ismael Sta .Ana
INRA CERILA – Cerila alAonso
INRA VERANCIA – Veranica Alfonso
INRA GARITA – Margarita Ramos
INDA PULING – Apolonia Carlos
ILONG BAJO – Cerilio San Jose
INDONG MUNTI – Pedro Nido
INDNG PAIGKAS – Pedro Halili
INDONG MINAL – Pedro Patito
IYONG MANGANAK – iIeneo Ramos
IYONG BALBAS – Ireneo Campo
IYONG PAANG MATANISA – Ireneo Ocampo
INSIONG DAMULAG – Florencio Pili
INTENG KALIBIT – Vicente Reyes
INTENG TABAKO – Vicente Dionisio
INTENG TAYAMPI – Vicente Sta. Ana
ISKONG BURAK – FranciscoFelix
ISKONG BAKUKU – Francisco Herrera
INKONG TARTAR – Fancisco Ramos
INKONG KALIB – Francisco Ramos
INGKONG BARAKUDA – Francisco Panguito
ILONG TUTA – Marcelo Panguito
ILONG MARASKAL – Marcelio Campo
JACK – Felix San Juan
JUDGE – Daniel Alfonso
JOSE BANG-I – Jose Rosal
JUAN BIG BOY – Juan Baitista
JUAN MALAKAMPIT – Juan Dionisio
JUAN MALA-IYA – Juan Julian
JUAN SAGASA – Juan Ocampo
JUAN BULUTONG – Juan Teodoro
JUAN BUTAS – Juan Teodoro
JUAN ITIM – Juan Vocal
JUAN TIHAYA – Juan Francisco
JOSENG BULIK – Jose Panguito
JOSENG KANTOS – Jose Concepcion
JOSENG BOMBARBINO – Jose Francisco
JOSENG PAGKIT – Jose Dionosio
JOSE BANG-I – Jose Rosal
KA PUPONG – Rolf Campo
KABO – Mariano San Juan
KAKAK – Bernardino Dionisio
KALAMAY – Rosendo Santiago
KALESA – Crispulo Pasay Sr
KAMYAS – Simplicio San Juan
KLASE – Vicente Flores
KAPINGGE – Artemio Flores Sr
KATOL – Virgilio Cruz
KOYANG – Errol Dionisio
KUYA – Gil San Juan
KALIWA – Baltazar Natividad
LAKAR MORONG – Santiago Aquino
LAWLAW – Engracio Dionisio
LUCIONG BAGUL – Lucio Francisco
LUCIONG KAMPITSI – Lucio Orca
LANDONG MUDI – Rolando Ignacio
LARYONG KULOT – Hilario Voluntad
LARYONG MANTIKA – Hilario Ocampo
LEONG APAN – Leon Sta. Ana
LEONG TARSAN – Leon Santos
LIBAG PAA – Isang Campo Concepcion
MATA – Artemio Flores Jr.
MESTIZO – Elias Vocal
MO – Mariano Felix
MURYOT – Pacifico Santos
MUY BIEN – Prino San Jose
MA AMANDO – Amando San Jose
MAYOR BENNY – Bernardo San Juan
MAM ROSIE – Rosita Ramirez
MANANG PUNGGOK – Romana Ignacio
MINONG PAPAYA – MaximinoTancingco
MINONG TIKBALANG – Maximino Pascual
MINONG KATSA – Maximino Raymundo
NANONG KUTINGO – Marino Ramos
PALANAS – Arsenio Campo
PANABO – Pablo Alegre
PAPET – Joseph Raymundo
PATAKBO – Cecilio Villanueva
PISKAL – Jison Julian
PRINSIPENG ITIM – Carlito Reyes
PUSA – Marcelo Magno Jr.
PUSTISO – Marcos Santos
PEDRO PINDALO – Pedro San Juan
PERYONG BALAW 2X – Eluterio Campo
PINUNG BULUTONG – Agrifino San Juan
PILONG BAG-ANG – Teofilo Ocampo
PILONG BUKOL – Teofilo Garcia
PILONIONG DANGGO – Apolonio Arriola
PILONIONG APAL – Apolonio Sta. Ana
PINONG BULUTONG – Rufino San Juan
PATRENG TIKLING – Patricio San Juan
PATRENG KIMAW – Patricio Ocampo
PERTONG LUNGGO – Ruperto
PERTONG KULUBAN – Ruperto De Luna
PASIONG KAPALARAN – Bonifacio Felix
PASIONG KUALTA – Bonifacia Dionisio
PLESING AGIMAT – Sulpicio Vocal
POPONG GURING – Gregoria San Andres
QUIEL – Exequiel Bernardino
QUIEL BURDA – Exequiel Ramos
RAK – Raul Cruz
ROMANG KUALTA Roman Dionisio
ROMANG TALANAY – Roman Talanay
RUPINONG PANGUNOT – Rufino Teodoro
SABAW – Patricio Alejandro
SAN ROQUE – Antonio Estacio
SAL – Salcedo Reyes
SOLO – Solomon Pinon
SUBYAL – Sulpicio Dionisio
SEGUNDONG BOXING – Segundo Ramos
SERIONG KUBAW – Sergio Vocal
SERIONG LAKI – Gliserio Estrella
TANGGOK – Gil Francisco
TANDA – Reynaldo Pascual
TAK – Eustaquio Concepcion
TANCIONG HAPON – Constantino San Juan
TANCIONG KUBA – Protacio Estrella
TEERY BOY – Leuterio Dionisio
TIBO – Jose Tiburcio
TIYAT – Roberto Campo Concepcion
TOGER – Engracio Concepcion
TIYONG BANTI – Mateo Dionisio
TIYONG PAINGO – Mateo Felix
TIYONG BULINGYO – Mateo Ocampo
TOMAS PAGONG – Tomas Gonzaga
TOMAS AMON JESUS – Tomas San Antonio
TONYONG BAYAG – Antonio Valencia
TONYONG KUBA – Protacio Estrella
TONYONG PASO – Antonio Campo
TONYONG PAANG BALSO – Antonio Tancingco
TOTOY – Teodulo Campo
VALENTING MAAYOS – Valentin Concepcion
VALENTING PATIERKA – Valentin Campo
WAK – Maximino Pasay, Jr.
WADANG – Juanito Martinez
WALANG KABA – Eladio Angeles
WELL-FIX – Jaime Concepcion
X-44 – Hector Reyes
BLACK – Randolf San Jose
BAYLON – Erwin Dionisio
KA INTO – Ernesto Reyes
JAGUS – August Pandac
JAKE ASWIT – Jake Ramirez
Sa isla naman, may mga angkan na may alyas din o kaya naman bansag.
Gloria-Raymundo Clan – BUTAS
Martin-San Juan Clan – BAYO
Halili-San Juan Clan – BAYAG
De Jesus-Nuque Clan – KALABAW
Francisco Clan – SAKO
San Jose-Raymundo – BARKO
Arabit-Caseres Clan – ITAK
Bolante Clan – PUSA
4 PAMANANG KULTURA, KAGAMITAN AT ISTRUKTURA
Ang bayan ng Cardona ay maliit lamang ngunit marami rin itong maituturing na pamanang kultural at istruktura. Kabilang na dito ang mga pook dalanginan, mga lumang bahay at mga kagamitan na ilang taon na rin ang lumipas ngunit masusumpungan pa rin sa bayan.
POOK DALANGINAN
Parokya ng Sto. Rosario (Our Lady of the Holy Rosary Parish)
Ito ay natatag noong 1872 ng mga paring Francisco na namalagi sa Morong noong ika – 16 na siglo at nagtatag ng mga mission centers sa baybayin ng Lawa ng Laguna na sa kinaulanan ay naging mga parokya. Taong 1991-1992 nang giniba ang dating simabahan “Sto. Rosario Parish Church” at may mga nahukay na mga buto ng tao. Ito raw ay maaaring sa mga Amerikano na kung saan may naganap na laban ng mga Hapon at Amerikano.
Sinasabi na noong ang Cardona ay bahagi pa ng Morong, ang imahe ni Sto. Rosario na nasa simbahan ay misteryosong nawawala at misteryosong bumabalik sa simbahan kapag nakikita ng mga tagapangalaga ng simbahan sa halamang amorseko na tinatawag na Sapao.
Ang Parokya ng Sto. Rosario
Our Lady of Manaoag Shrine / Krus ng Kapayapaan
Ang “Krus ng Kapayapaan,” ay kilala rin bilang Our Lady of Manaoag Shrine ay matatagpuan sa Barangay Del Remedio, Cardona, Rizal. Ito ang pinakamataas na krus sa Cardona, at itinayo noong Agosto taong 1988.
Isa ito sa mga pangunahing destinasyon sa Rizal para sa mga mananampalataya at deboto. Ayon sa mga taong namamahala rito, sila ay mga deboto ng Our Lady of Manaoag. Isang araw, habang ang may – ari ay nasa isang prusisyon, isang himala ang kanyang nasaksihan na naghikayat sa kanya na magtayo ng isang malaking krus sa bayan na kanyang tinitirahan. Tinatayang may 10,000 mananampalataya ang bumibisita rito sa panahon ng Semana Santa.
Ilan lamang sa mga makikitang imahe rito ay sa Our Lady of Peace and Good Voyage, kay Saint Michael the Archangel at kay Saint Francis of Assisi.
Krus ng Kapayapaan
Inang Lourdes
Kapilya ng Bukal
Groto ng Mahal na Birhen ng Lourdes sa Dulong Kawit ng Navotas
Ayon kay Cilidonia Dicimulacion, 75 taong gulang, base sa kanyang karanasan na siya ay nanaginip ng tubig rosaryo at krus. Ayon din sa kanya ay nagpapakita sa kanya ang mahal na birhen ng lourdes sa kanyang panaginip tuwing mahal na araw. Sab kanyang wika ay lagpas 50 taon na ang grotong ito. At siya ay iniyayaan na manggamot.
Pook Dalanginan ng mga Kasapi ng Church of Christ
Ang kapilya ng Church of Christ na natayo noong November 8, 1948 sa Ocampo Street\
Ang Cardona Church of Christ (COC) ay isinilang noong ika 18 ng Mayo 1907 at ito ay napasimulan ng ang dalawang mapagmahal sa Diyos na mga Amerikanong misyonaryo na sina G. Leslie Wolf at G. Kershner, Nagkaroon noon ng demonstrasyon at pangangaral ng evanghelyo na ginanap sa lote ni G. Mariano Kopico na tumagal ng isang lingo
Ilan sa mga unang na konberte o tumanggap sa Panginoon ay sina mga Kptd. Crisanto Bernardo, Basilo Candelaria, Mateo Bernardo, Manuel Bernardo, Maximino Bernardo, at Pedro Kopico.
Ang unang pananambahan ay naganap sa tahanan ni Kptd. na Crisanto Bernardo
Nagpatuloy sa paglago ang iglesia hindi lamang sa bilang ng miembro kundi pati na ang mga pagaari. Buhat ng taong 1910, ang iglesia ay nagmayari ng isang 3,000 metro kwadrado na lote na matatagpuan sa Brgy. Looc na siyang naging Cardona Church of Christ cemetery.
EDUKASYON
Naitatag ang Cardona Elementary School bago pa man naging ganap na bayan ang Cardona. At bilang pagkilala sa dakilang ambag para mapagbuti ang edukasyon ng noon ay Punong Bayan Mariano C. San Juan, ang paaralan ay pinagtibay na isunod sa kaniyang pangalan. Namalagi ang Mariano C. San Juan Elementary School sa orihinal niyang lokasyon sa Rodriguez Street, Barangay San Roque. Malaki na ang naging pagbabago sa paaralan. Ang makabago nitong mga gusali ay naglalarawan ng mabilis na pag-unlad at pagtaas ng kalidad ng edukasyon ng ating mga kabataan. Maluwang at moderno na rin ang mga pasilidad na ginagamit ng paaralan para hubugin ang ating mga mag-aaral.
Nagbukas naman ang Cardona National High School noong 1996 para mapagsilbihan ang ating mga kababayan. Ang unang pagtatapos sa mataas na paaralan ay naganap noong taong 2000 at nagtuloy-tuloy na ito hanggang sa kasalukuyan. Pinagtibay din ng Sangguniang Bayan ng Cardona ang pagpapalit sa pangalan ng paaralan sa Bernardo F. San Juan National High School bilang pagkilala sa pagmamalasakit ng butihing punong bayan sa kapakanan ng ating mga mag-aaral noong siya ay nabubuhay pa. Matatagpuan ang paaralan sa Rodriguez Street, Barangay San Roque.
Ang larawan ng lumang gusali ng Mariano C. San Juan Elementary School na kuha noong 1964.
Mga Mag-aaral at Guro sa Cardona Elementary School noong 1938
Makikita sa larawan ang mga mag aaral ng Grade Vl-1 ng MC San Juan Elementary School, Batch 1975-1976 kasama ang kanilang Gurong Tagapayo na si Ginang Dalisay Dionisio.
TICULIO ELEMENTARY SCHOOL
Nagsimula ang paaralan ito sa simpleng school yung sinauna na kahoy lang subalit nung mga naglaon sa pag susumikap ng mga guro at principal ito ay napalago nila sa pagtutulungan ng lahat.
Ang Malanggam Barrio School ay naitayo noong 1974. Ang mga gurong nakapagturo dito ay mula pa sa ibat ibang lugar. Sa loob ng isang taon, mayroon lamang isang guro mula sa unang grado hanggang ika apat na grado.
Sa makabagong panahon, pinangalanan na itong Malanggam Primary School. Mayroon nang unang grado hanggang anim na grado na may tatlong guro.
MV Montessori School officially started in 1999 situated in Rizal st., Brgy. Real, Cardona, Rizal, is an old house with one big classroom just adjacent to the residence of the family who runs the school. The man purpose of the family for opening this school was to provide quality education using the Montessori method to the underprivileged members of the community. With this mission and vision in mind, and the belief that education is for all the school has prospered over the years, it has found as new home just a few blocks away from the original site. With God’s grace, the school stillstands now as a 4-storey building enough instructional classrooms and facilities to accommodate more learners who will be choosing this institution as their stepping stones in realizing their dreams and building a bright future.
|
San Francisco Parish School
Navotas Elementary School
Ang nagbukas ng paaralang ito ay si Mr. Rufino Ceremonia.Ang unang guro ay si Ginoong Eusobio Medina noong taong pang akademiko 1941- 1942 , napagyabong ang paaralang ito dahil narin sa paglaki ng populasyon.Dumami ang mag aaral dito at sa kasalukuyan mayroong 17 na guro na nagtuturo dito, ang kasalukuyang principal ay si Ginang Lourdes Q. Martinez .
UNIVERSITY OF RIZAL SYSTEM-CARDONA CAMPUS
URS Cardona existence was a product of the strong ingenuities and willpower of the then Mayor Bernardo F. San Juan Sr. and was executed during the term of Mayor Gil San Juan.
It started its humble beginnings in June 2003 when the BS Fishery Program, as it was offered at URS Binangonan and URS Morong, becomes the pioneering academic program that paved the way to the creation of URS Cardona. Initially, it occupied a portion of the old building of San Francisco Parish School located at Sitio Galawan, Barangay San Roque, Cardona, Rizal. Through the active support of the Local Government Unit of Cardona, the operation of the campus goes smoothly under the guidance of Mrs. Isabel P. Sumilang (2003 – 2004) as the first Campus Coordinator.
In June 6, 2004, the campus was named Fishery Research Center and was brought at the heart of Sitio Kuhala, Barangay Dalig, Cardona, Rizal under the baton of Dr. Isabelita S. Bacud (2004 -2007) as the Campus Coordinator. From then on the campus sailed slicky under the different headships including that of Dr. TeresitaEstrabo (2007 – 2008), Prof. Alex C. Pili (2008 – 2012), Prof. Jonathan R. Peñada (2012 – 2017), Prof. Jose Allan B. Dieta (2018) and Dr. Juan O. Abarro (June 23, 2018 – present.
The campus maintains BS Fisheries and BS Biology programs as it promotes fishery technology, aquaculture and fish processing, product development and life science initiative using its available resources and taking the advantage of having the Laguna de Bay which is just few meters away from the campus.
From its modest start of having an unfinished building, it now caters its clients with two one-storey building, a newly constructed two-storey building and the recently erected Fishery Innovative and Training Center which is expected to operate soon.
The campus, with its small number of students and manpower resources, has been fortunate and tough in seizing awards in fishery and biology researches, sports, and cultural competition in various levels.
Finally, the University of Rizal System Cardona Campus promulgates excellence and an ideal learning environment for all the stakeholders through the dynamic professional and technical instruction, extension, production, and active administrative support to ensure customer gratification.
MOTHER MOST CHASTE SCHOOL
Mother Most Chaste School is the only private school at the barangay, it started on January 4, 2006 up to present. It was founded by the late Director Narciso P. Estrella who retired as a public school teacher at the Division of Pasig City and San Juan City.
Ang iba pang paaralan sa bayan ay ang mga sumusunod:
- Looc Elementary Schoool
- Pat-Cal Elementary School
- Subay Elementary School
- Cardona Senior High School
- Queen Mary Help of Christian Learning Center
- CJ Learning Center
PAGAMUTAN
Ang bayan ng Cardona ay mag dalawang pribadong pagamutan at labing walong Health Centers, isa kada barangay. Ang Carlos Medical and Maternity Clinic ay matatagpuan sa Barangay Looc Cardona, Rizal samantalang ang Queen Mary Help of Christian Hospital na matatagpuan sa Barangay Calahan, Cardona, Rizal.
Carlos Medical and Maternity Clinic
Queen Mary Help of Christian Hospital
Sentro ng serbisyong medikal at pangkalusugan sa bayan ng Cardona.
Gusali ng Cardona Rural Health Unit 1
PARKE
Ang Parke ng Bayan ng Cardona ngayon, ito ay naging palengke noong 1980’s. nailipat na rin dito ang monumento ni Dr. Jose Rizal at nag lagay rin ng monumento ng mga beterano noong World War II.
Ayon sa dating Kapitan ng Barangay Real na si Mando Estrella ito ang dating parke sa bayan ng Cardona na kung saan naroon din ang monument ni Dr. Jose Rizal, ito ay naka puwesto sa tagiliran ng simabahan ng bayan na ang dating pangalan ng parke ay “Glorieta”. Ngayon ay naging tindahan ng tubigan, tindahan ng pandesal at nagkaroon na ng bahay sa lugar
BANGKO
May nag-iisang bangko sa bayan ng Cardona. Ito ay ang Rural Bank of Cardona. Ang dating lokasyon ng bangko ay matatagpuan sa Rizal Street sa Barangay Real, kalapit ng Simbahan at halos katapat ng lumang Palengke, RIC ay ng lumang munisipyo noon.
PAMILIHAN
Ang Cardona Public Market ang sentro ng negosyo at kalakalan sa bayan ng Cardona.
Cardona Public Market
BOTIKA
Ang lugar na ito ay naging sinehan noong araw, at nagkaroon din dito ng panaderya. Ngayon ito ay naging Botica Alejandro na kung saan maraming tao ag laging bumibili at nagkaroon din ng Western Union.
Ang bahay na ito ay naging botika noong araw, ang pangalan ay Botika Angelica. Isa rin ito sa pinaka matandang bahay dito sa barangay Real, na hanggang ngayon ay walang pinabago sa bahay
GASOLINAHAN
Ang gasolinahan na itinayo ni G. Felipe Dionisio na matatagpuan sa San Pedro at ID Julian Streets. Napalitan din ito ng isa pang gasolinahan sa pangalang Echo Gas Station na ngayon ay nagsara na rin.
Hebron Gas Station- Ito ang makabagong gasolinahan na naitayo sa San Roque.
GUSALI NG PAMAHALAAN
Barangay San Roque Multi-Purpose Covered Court
Municipal Police Station
Bureau of Jail Management & Penology
Cardona Multi-Purpose Cooperative
Bureau of Fire Protection
Municipal Risk Reduction and Management Office
AUV Terminal
Fishport/Market Office
Municipal Trial Court
Rotary International, Cardona Chapter
Mayor Rudy C. Flores Building/Cardona Event Center
Cardona Municipal Library/Tourism Office
Sanitation Office
Ang bagong gusali ng Gender and Development Center
Ang kasalukuyang konstruksyon ng Multi-Purpose ProvincialDisaster Risk Reduction Management Center
BFAR – Provincial Fisheries Office
NGO-CBDEG Office
Ayon kay Kagawad Ronald Ramos ng Barangay Real, nang masunog and dating Munisipyo ng Cardona , ang Cardona Puericulture and Family Planning Center ay ginamit ng munisipyo nang mahigit 10 taon. Para lang magkaroon ng pansamantalang munisipyo.
Mayor Rudy Flores Bldg. o Cardona Government Center – dito ginaganap ang mga pampublikong kumperensya, pulong at iba pang gawain gaya ng negosyo.
Cardona Economic Center – dito pinoproseso ang mga produktong yari sa kawayan at water hyacinth (Water Lily) gaya ng mga basket, lamesa, upuan, pamaypay, bag, banig, tsinelas at iba pa.
Isa sa pangunahing pinagkakakitaan ng mga taga Cardona ang CARDONA MUNICIPAL FISHPORT. Inayos ito o nai-renovate ng taong 2001, upang mas mapakinabangan at mapaganda ang kalakalan. Kasalukuyang nasa dalawapu’t isang taon na ito magmula ng ito ay ipinaayos o binago.
NEW BARANGAY HALL- constructed last December 2019
BARANGAY MULTIPURPOSE BLDG (A.K.A TESDA BLDG.) – it is used as training center for TESDA Training Courses.
BARANGAY HEALTH CENTER
BARANGAY DAY CARE CENTER
BARANGAY COVERED COURT
SITIO KUHALA MULTI-PURPOSE BLDG (A.K.A TESDA BLDG.)- it is used as training center for TESDA trainings courses.
SITIO KUHALA DAY CARE CENTER
SITIO KUHALA COVERED COURT
SITIO KUHALA FISH PORT
MGA LUMANG BAHAY
Ang mga lumang gusali o mga bahay ay bakas ng nakaraan na patuloy na nagsisilbing tulay ng henerasyon ngayon sa panahon noon.Sa bayan ng Cardona ay maraming lumang bahay o gusali na naalagaan at hanggang sa ngayon ay natitirahan.
Ang bahay na ito ay isa sa pinakamatandang bahay sa Barangay Real, ayon sa may ari ng bahay naitayo ito pagkatapos maganap ng giyera. Ito ay patuloy na inaalagaan ng may-ari upang manatiling maging maganda ang bahay.
Ang matandang bahay na ito ay matatagpuan sa sitio Calubacan, mula pa noong taong 1942. Ito ay pag aari ni Amba Lucio at Cha Edad. Si Amba Lucio o Ma Lucio ay lihitimong taga Calubacan hanggang nalipat sila sa kabayanan nang mag aral ang kanilang mga anak kaya napagdesisyunan nilang ipagbili ang bahay kina Ka Andy. Nanirahan sila ng matagal sa bahay hanggang sa bawian ng buhay si ka Andy.
Isa pang matandang bahay ang muling matatagpuan sa sitio Calubacan na mula pa noong 1951. Ang matandang bahay na ito ay pag aari ni ka Tonyo at ka Luning na may anim na anak, nagsipag asawa na ang mga anak kayat ang naninirahan na lang sa bahay ay isang mag asawa.
Ang kahuli-hulihan at pinakamatandang istraktura sa loob ng Mariano C. San Juan Elementary School na pinaniniwalaang naitayo noon pang panahon ng mga kastila.
Explosive magazine
Isang matandang gusali na di umanoy naging taguang ng mga dinamita . Ayon kay kagalang-galang Kagawad Jomar V. Villariña nung bata sya ay naabutan nyang maayos ng kaunti pa ang istruktura na ito. Ang lokasyon nito ay malapit sa daan patungong Barangay Subay kalapit din ang sementeryo ng barangay navotas. Sa kanyang tantya ay mukha pa ito ng taong 1980s mayroon ding kwento na may nagngangalang alias “sadam” ang nag uwi ng dinamita mula rito, inilagay sa basurahan sa pag aakala na di na ito sasabog ngunit nagkamali sya ng akala kabalintunaan nito ang naging resulta. Kaya naman isang bagay din nang matapos ang pangyayari na sya ay buhay at malakas pa .
Tahanang ipinatayo ni G. Ted Pascual noong taong 1969 na matatagpuan sa Rodriguez Street, at ngayon ay pag-aari na ni G. Reuel Pascual
Ang bahay na ito ay matatagpuan sa kanto ng San Pedro at San Jacinto Street na ipinatayo ni G. Igmedio Pasay noong taong 1965na ngayon ay inookupahan na ng kaniyang mga kaanak.
Ang bahay na nasa itaas ay ipinatayo ni G. Emiliano Julian, Sr. noong taong 1955, matatagpuan sa San Jacinto Street at pag-aari na ito ngayon ng mag-asawang Romulo at Azucena Ramos.
Ang eleganteng disenyo ng lumang bahay ni G. Miguel Cruz na ipinatayo noong taong 1955, matatagpuan ito sa Ocampo Street at tinatahanan ngayon ng kaniyang anak na si Bb. Carlita Cruz.
Ito ang larawan ng tipikal na bahay noong nakaraang siglo, dingding na yari sa kahoy, capiz ang gamit na bintana para magbigay liwanag sa kabahayan, may maliit na bahagi ng bakanteng lote sa harap para pagtaniman ng halaman.
HIMLAYAN/SEMENTERYO
Ang himlayang pambayan na pinaniniwalaang naitayo noon pang panahon ng mga kastila.
Our Lady of Lourdes Memorial Park
Ang himlayang ito ay mula kay Rosemarie Belle Trinidad Mejia na kanyang ibinigay upang maging kapakinabangan ng mga mamamayan ng Barangay Navotas, noong July 2007.ipinangalan ito kasunod ng patrona ng Mahal na Birhen ng Lourdes.
MONUMENTO/PANANDA
Cardona Heroes’ Park Monument
Ito ay matatagpuan sa tabi ng Gusali ng Pamahalaang Bayan. Ito ay itinayo bilang pag-aalala sa mga beterano na lumaban sa kalayaan ng ating bansa.
Dito nakatayo ang monumento ni Jose Rizal kasama ang likha ni Nemi Miranda tungkol sa Pilipinas bilang isang ina kasama ang nasawing anak. Ipinapakita nito ang pag-aalay ng sariling buhay para sa kalayaan ng nakararami.
Isa man ito sa mga pinakamaliliit na liwasan sa lalawigan ng Rizal, ang kapaligiran naman nito ay kaaya – aya sa mga turista. Ito ay lugar para mga magkakapamilya, magkakaibigan at magsing – irog at masisiyahan ka rito dahil sa ganda ng kalikasan habang binabalikan ang kasaysayan.
Cardona Heroes’ Park Monuments
Ang Inang Bayan
Sa lugar na ito inilipat ang mga labi ng 37 na bayani ng lambac.Hindi rito ang orihinal na pagkakalibing ng mga labi ng 37 na bayani ng nayon ng lambac, ito ay hinukay mula sa kalapit na lupain ng health center na sa ngayon ay kinatatayuan ng Iglesia ni Cristo.Ang mga labi na nakalagak rito ay pinatay ng mga hapones noong ika-7 ng Agosto, 1942.
Sinasabing ang sinasagisag ng rebulto ay KALAYAAN ng nayon ng Lambac na sa pamamagitan ng mga nakalibing rito. Kayat tuwing ika 7 ng Agosto kada taon ay pinagdiriwang ng nayon ng Lambac bilang araw ng Kalayaan.
Ito ang Listahan ng mga Labi na nakalibing rito.
REBULTO NI RAMON MAGSAYSAY
Ang rebulto ni Ramon Magsaysay ay itinayo sa lugar na ito noong Ika- 17 ng Abril, 1958. Sa pamamagitan ng mga estranghero sa barangay na ito, na ngayon ay sa rito na mamumuhay ang kanilang mga saling lahi.
Itinayo ang rebultong ito, dahil sa noong panahong ng pamumuno ng dating presidente Ramon Magsaysay ay sinasabing pupuntahan niya ang isla ito. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay nasawi ang president.
- JOSE RIZAL
Ang Rebulto ng pambansang bayani na si Dr, Jose Rizal ay itinayo noong taong Ika-10 ng Marso, 1929
Ang Rebulto na ito ay tinatayang nasa 92 taon na ang Edad. Ay Rebultong ito ay natatag sa pamamagitan ng samahang Ipagtangol ang Katuiran, ito ay kusang loob na pinagawa ng mga kasapi ng samahan na nasa Amerika.
Balibago Rizal Monument
Built more or less 50 years (been renovated and improved) where people in Balibago pay tribute and offer flowers to our National Hero Dr. Jose P. Rizal on his day, every December 30 of the year.
Ang bantayog ni Mariano C. San Juan sa bakuran ng MC San Juan Elementary School
Ang bantayog ni Pangulong Manuel L. Quezon na itinayo noong mga taong 1965.
Ito ang isa sa mga “Welcome markers”, na mayroon ang Cardona na nakatayo at makikita sa Pagpasok ng Barangay Looc.