OKTUBRE 8, 2020.Isang napakahalagang araw para sa ating Bayan ng Cardona. Ang araw na ito ang simula ng katuparan ng isang butil ng pangarap na nabuo at pinalago ng isang hangarin na maiangat ang kabuhayan ng mga mamamayan kasabay ang hangarin na malunasan ang problema ng transportasyon sa Probinsya ng Rizal.Ngayon po ay sisimulan ang pagtatayo ng CARDONA FERRY TERMINAL na bahagi ng Laguna Lake Ferry Network. Ito ay magsisilbing alternatibong paraan ng transportasyon upang mas mapaginhawa at mapabilis ang pagbiyahe ng mga mamamayan ng Probinsya ng Rizal patungong Metro Manila. Ang ruta nito ay mula Cardona, Rizal patungong Guadalupe, Makati City na tatagal lamang ng 45 minuto.Ako po ay naniniwala na ang simulaing ito ay malaking bagay para sa isang mas maunlad at progresibong bayan ng Cardona. Makapagbibigay ito ng hanapbuhay sa ating mamamayan at makapagpapasok ng mga negosyo sa ating bayan.Taos-puso po tayong nagpapasamalat sa ating butihing Congressman Fidel Nograles sa dedikasyon upang maisakatuparaan ang proyektong ito. Lubos din po tayong nagpapasalamat sa iba nating mga katuwang sa ating proyekto, ang Laguna Lake Development Authority sa pangunguna ni General Manager Joey Medina, ang Department of Transportation sa pangunguna ni Secretary Arthur Tugade, ang DPWH sa pangunguna ni Secretary Mark Villar, kay GM Jojo Garcia ng Metro Manila Development Authority at ang Pamahalaang Panlalawigan ng Rizal sa pangunguna ng Ina ng ating Lalawigan na si Governor Rebecca “Nini” Ynares. Maraming salamat po sa tulong at suporta.Mabuhay ang Bayan ng Cardona! Mabuhay ang Lalawigan ng Rizal!