Magandang araw po mga kababayan!
Ginagawa po ng Pamahalaang Bayan, katuwang ang mga barangay at mabubuting mamamayan ng Cardona, ang lahat ng ating makakaya upang maibsan ang hirap ng ating sitwasyon. Humihingi po kami ng inyong pang-unawa na ang target ng pamimigay ng food packs ay ang mas mahihirap na lugar. Hindi po natin alam kung gaanong katagal ang itatagal ng krisis na ito kaya’t hindi natin pwedeng ubusin ang ating resources ng dalawang linggo lamang.
Nakapagpamigay na po tayo ng food packs noong Thursday at kasalukuyang nagrerepack po tayo para sa susunod na distribusyon.

Maraming salamat sa inyong tulong at pag-unawa.

1st and 2nd batch of food packs distributed to all 18 barangays.

(1st Batch – March 28, 2020 / 2nd Batch – April 4, 2020)