Daily Weather Forecast
Issued at: 5:00AM today, 07 June 2017
Synopsis: Intertropical Convergence Zone (ITCZ) affecting Southern Mindanao.
Pagtaya: Maulap na kalangitan na may mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan at pagkidlat-pagkulog ang mararanasan sa mga rehiyon ng CARAGA, Davao at Soccsksargen. Bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may mga pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog ang iiral sa Kamaynilaan at sa nalalabing bahagi ng bansa. Katamtaman hanggang sa kung minsan ay malakas na hangin mula sa timog-silangan hanggang sa timog ang iiral sa kanlurang bahagi ng luzon at ang mga baybaying dagat sa mga lugar na ito ay magiging katamtaman hanggang sa kung minsan ay maalon. Sa ibang dako, ang hangin ay magiging mahina hanggang sa katamtamang mula sa timog-silangan hanggang sa timog na may banayad hanggang sa katamtamang pag-alon ng karagatan.- DOST PAGASA