Daily Weather Forecast
Issued at: 5:00AM today, 05 June 2017
Synopsis: Southwest Monsoon affecting the western section of Northern and Central Luzon. Intertropical Convergence Zone (ITCZ) affecting Southern Mindanao.
Pagtaya: Maulap na kalangitan na may mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan at pagkidlat-pagkulog ang mararanasan sa mga rehiyon ng Ilocos, SOCCSKSARGEN at sa mga lalawigan ng Zambales, Bataan, Maguindanao at Davao Del Sur kasama ang Davao City. Bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may mga pulu-pulong pag-ulan o pagkidlat-pagkulog ang iiral sa Kamaynilaan at sa nalalabing bahagi ng bansa. Katamtaman hanggang sa malakas na hangin mula sa timog-kanluran ang iiral sa hilaga at kanlurang bahagi ng luzon at ang mga baybaying dagat sa mga lugar na ito ay magiging katamtaman hanggang sa maalon. Sa ibang dako, ang hangin ay magiging mahina hanggang sa katamtamang mula sa timog-silangan hanggang sa timog-kanluran na may banayad hanggang sa katamtamang pag-alon ng karagatan.- DOST PAGASA