Daily Weather Forecast
Issued at: 5:00AM today, 31 May 2017
Synopsis: Frontal System affecting extreme Northern Luzon.
Pagtaya:Maulap na kalangitan na may mahina hanggang sa katamtamang mga pag-ulan at pagkidlat-pagkulog ang mararanasan sa mga lalawigan ng Ilocos, Cagayan at Batanes. Bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog ang iiral sa Kamaynilaan at sa nalalabing bahagi ng bansa.Katamtaman hanggang sa kung minsan ay malakas na hangin mula sa timog-kanluran ang iiral sa dulong hilagang luzon at ang mga baybaying dagat sa mga lugar na ito ay magiging katamtaman hanggang sa kung minsan ay maalon. Sa ibang dako, Ang hangin ay magiging mahina hanggang sa katamtamang galing sa timog-silangan hanggang sa timog na may banayad hanggang sa katamtamang pag-alon ng karagatan.- DOST PAGASA